Search Lyrics/Band:

Valley Of Chrome - Dagat ng Apoy

Valley Of Chrome

Dagat ng Apoy Lyrics:

Lulusong ka na ba? Sa Dagat ng Apoy?
At nakita ko, ang tagumpay
Malayo man di mahiwalay
Ang mahalaga, ay may apoy pa rin
Anumang hirap ay aangkinin

Chorus:
Gumugulo sa iyong isipan takot at kaba
Buhayin ang sarili mo't magsimula ka na
Sino ba naman sila para pigilan ka?
Sa Dagat ng Apoy, muling lalaban ka

II
At ang lungkot, ay walang saysay
Ating kapalaran ay nasa 'king kamay
'Di bibitaw, sa mga pangako ko
At magbabalik muli sa piling nyo.

Bridge:

Mga kuko ng kahapon
Wala na silang talim

Salamat kabiguan, tinuruan mo ako
Sa hirap na dinanas ko (pangarap mabubuo)
Kahit imposible, pipilitin ko
Kahit mahirap ay kakayanin ko.
(Hinalikan ko ang liwanag... Tinakwil ko ang lagim!)


III

...At lilipas din ang mga taon
Simula ng ating pag-ahon
'Di ako papayag na...
Magpalunod...
Magpatalo...
Sa dagat ng apoy.

Valley Of Chrome Lyrics

All lyrics are property of their respective authors, artists and labels are strictly for non-commercial use only. Copyright © 2014-2015 rakistalyrics.blogspot.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Facebook
You are now viewing Valley Of Chrome - Dagat ng Apoy | Rakista Lyrics